ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
HULING SWS POLL

Lamang ni Duterte sa mga kalaban, double-digit


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Habang lumalapit ang araw ng halalan, lumalayo naman ang agwat ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang mga katunggali sa pagka-pangulo.

Ito'y batay sa pinakabagong presidetial preference survey ng Social Weather Stations, naisinagawa isang linggo bago ang  May 9 elections.

Nakakuha si Duterte ng 33 percent rating, ayon sa ulat ng BusinessWorld, publication partner ng SWS.

Umabot umano sa 4,500 registered voters ang tinanong ng SWS para sa survey na may sampling error na ±1 point. Isinagawa ang naturang poll mula May 1 hanggang 3.

Ayon sa SWS, hindi bumaba at hindi rin tumaas ang rating ni Duterte batay sa naunang survey na isinagawa ng SWS mula April 18 hanggang 20.

Si Senator Grace Poe, na pumapangalawa kay Duterte, ay nakakuha lamang ng 22% rating. Bumaba ng dalawang puntos ang rating ng senadora kumpara sa naunang survey ng SWS.

Statistically tied naman ang ratings nina Poe at ang pambato ng Liberal Party na si Mar Roxas na nakakuha ng 20% rating, isang puntos na mas mataas sa kanyang score sa survey ng SWS bago itong huli.

Napako naman ang ranggo ni Vice President Jejomar Binay sa ika-4, sa score na 13%, isang antas na mas mababa sa naunang SWS survey.

Nananatili sa Senator Miriam Defensor Santiago sa pinakamababang ranggo sa score na 2%.

Apat na porsyento ng respondents ay "undecided" at walang pinili na kandidato sa pagkapangulo. — LBG, GMA News