Int’l observers, bilib sa pagdaos ng eleksyon sa Tubigon, Bohol
Bumilib ang international election observers sa pagpatupad ng isang bayan sa probinsya ng Bohol sa katatapos lamang na nasyunal at lokal na lahalaln.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing humanga ang limang mga observer sa pagdaos ng halalan sa bayan ng Tubigon.
Ayon kay GMA News stringer Leo Udtohan, bumilib ang mga observer sa maayos at organisadong pagboto ng mga tao doon.
At kahit na umano'y may mga insidente ng pagpalya ng vote counting machines at ilang napaulat na vote-buying insidents, matagumpay paring naidaos ang botohan sa naturang bayan.
Bilib din umano ang mga bisita sa tiyaga ng mga taga-Tubigon, na nagtiis sa pila upang makaboto.
Matatandaang walong mga bayan sa Bohol ang isinailalim sa Comelec watch list dahil sa banta ng kaguluhan. — LBG, GMA News