ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hostage drama na umabot sa plaza, nahuli-cam; hostage taker, napatay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay sa pamamaril ang isang lalaki na nang-hostage ng dalawang tauhan ng Estancia police sa Iloilo. Ang nais umano ng suspek, palayain ang limang preso sa police station na inaresto dahil daw sa iligal na droga.

Sa ulat ni Alan Domingo sa GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing dalawang non-uniformed personnel ng Estancia Municipal Police Station ang binihag ng isang lalaki na kinilalang si Romy Albor alyas Burot.

Sa kuha ng closed-circuit-television camera, makikitang naglakad pa si Albor paikot sa plaza ng bayan habang kinakaladkad ang dalawa niyang bihag.

Ayon sa pulisya, nagsisisigaw pa raw si Albor habang nilalahad ang kanyang kondisyon na palayain ang limang preso sa police station na inaresto dahil daw sa iligal na droga.

Sa kabila ng mga pakikipagnegosasyon umano ng mga pulis, nagpaputok daw si Albor kaya na ang mga awtoridad na barilin siya na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Nasugatan naman nangyaring insidente sina Senior Police Officer 2 Richard Rufino, at isa pang hostage na si Jerome Gelveson.

Samantala sa Iloilo city naman, napatay matapos na manlaban umano sa pulisya si Weinemer Bodales, na suspek sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon sa mga pulis, may dala silang warrant of arrest laban kay Bodales pero tinangka raw nitong barilin ang isa sa mga pulis.

Dahil dito, pinaputukan na siya ng mga pulis na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Nakuha kay Bodales ang isang baril at isang kutsilyo. -- FRJ, GMA News