ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bata at binatilyo na magkahiwalay na dinukot, nailigtas ng mga pulis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

1 bata at 1 binatilyo na magkahiwalay na biktima ng kidnapping, parehong nailigtas
Isang batang babae at isang binatilyo na magkahiwalay na dinukot sa Mindanao ang nasagip ng mga awtoridad.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing nasagip ng mga pulis sa Lala, Lanao del Norte ang binatilyong lalaki na dinukot umano noong June 28.

Matapos makatanggap ng text ang mga magulang ng biktima mula sa lalaking humihingi ng pera kapalit ng pagpapalaya sa binatilyo, nakipag-ugnayan ang pamilya sa pulisya at kaagad na ikinasa ang operasyon.

Sa isang remittance center ipinadaan ang perang hiningi ng suspek para sa kalayaan ng biktima. Sa tulong na rin ng remittance center, natunton at naaresto ng pulisya ang suspek na si Jhony Parohilag.

Itinanggi niya ang paratang ay sinabing kusa raw na sumama sa kaniya ang binatilyo.

Samantala, nasagip din ng mga pulis mula sa mga kidnapper ang isang batang babaeng dinukot ng tatlong lalaki sa Zamboanga city noong Martes.

Sa isang ring entrapment operation, nakuha ng mga awtoridad ang biktima sa barangay Anuling sa Patikul, Sulu, at nadakip ang tatlong suspek.

Naibalik na sa kaniyang mga magulang ang bata nitong Biyernes ng gabi.

Inaalam pa kung konektado ang mga naarestong suspek sa mga kidnap for ransom group dahil kilala rin ang Patikul bilang balwarte ng grupong Abu Sayyaf. -- FRJ, GMA News

Tags: kidnapping