ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Motibo sa pagpatay sa Ateneo HS teacher, iniimbestigahan ng pulisya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang math teacher ng Ateneo High School matapos siyang pagbabarilin sa Marikina nitong Lunes ng gabi. Ang pulisya, hindi inaalis ang posibilidad na maaaring may kinalaman sa trabaho ang naganap na krimen.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at isang tama sa likod ang biktimang si Emmanuel Jose Pavia, 24-anyos.

Palaisipan pa sa mga imbestigador ang motibo sa pagpatay pero lumilitaw na tila pinag-aralan umano ng salarin ang kilos ng biktima at ang puwesto ng mga CCTV sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Batay sa ilang social media post, sinasabing binaril si Pavia matapos makasaksi umano ng nakawan.

Inihayag naman ng mga awtoridad na hindi nila inaalis ang posibilidad na maaaring may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang nangyaring krimen.

"Baka may estudyante na nagalit sa kaniya o may parent na nagalit kay Mr. Pavia," ayon kay P/Sr.Supt. Lorenzo Holanday, hepe ng Marikina Police. -- FRJ, GMA News

Tags: crime