ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DTI maghihigpit sa mga laruan matapos ng mga ‘recall’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang ginagawang pagbawi o recall sa ilang produkto ng laruan mula sa US-based Mattel Inc at papalapit na Kapaskuhan, maghihigpit ang Pilipinas sa pagsusuri sa mga laruang plastik na ibebenta sa merkado. Inihayag nitong Linggo ni Department of Trade (DTI) Usec. Zenaida Maglaya na ang pagsusuri ay isasagawa sa mga plastic toys na may pintura. Ang mga papasang laruan ay lalagyan ng marka ng DTI. “May mga measures na bago ilabas sa merkado dapat suriing mabuti. May tatak na ito ay tested, parang ginagawa natin 'pag kailangan may standard, PS mark or import commodity clearance," ani Maglaya sa panayam ng radio dzXL. Inaasahan ng opisyal na dadagsa ang mga laruan sa merkado dahil sa pagpasok ng “ber" season sa susunod na buwan ng Setyembre. Inamin ni Maglaya na bago maganap ang kontrobersiya sa pag-recall ng Mattel and Fisher-Price sa kanilang mga produktong laruan, hindi nagsasagawa ng pagsusuri ang DTI sa mga laruan. Ang mga laruan na may pintura ay posibleng nagtataglay ng kemikal na “lead" na may masamang epekto sa kalusugan ng mga bata. Ang pagsusuri ay gagawin sa mga laruan mula sa ibang bansa at maging gawang-lokal. “All plastic toys na gumagamit ng pintura dapat suriing mabuti bago ibenta. Unlike before wala tayong ganyang klaseng regulation," paliwanag niya. Binalaan din ni Maglaya ang mga nagtitinda ng mga laruan na kasama sa “recall" order na mananagot sa batas. “(Ang) tulong na hinihingi natin sa mga retailers, ang malalaking toy stores nakipag-ugnayan sa Mattel. Ang sa bangketa at maliit na tindahan, sana kung may makita silang produktong Mattel i-verify nila sa Mattel kung kasama sa batch na ire-recall. Kung hindi, sila ang magiging liable," aniya. Ang mga nais magtanong ay sa Mattel ay maaaring tumawag sa hotlines sa telepono bilang 8913396 at 8913485, at makipag-ugnayan kay Joy-Joy Mirasol. - GMANews.TV