ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Endo laganap sa malls, hotels, restaurants —DOLE


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinukoy ng Department of Labor and Employment ang mga industriya na umano'y kilala sa kanilang kalakarang "endo" o ang pagha-hire ng mga manggagawa na hindi nare-regular.

"The DOLE will assess priority sectors we have identified such as in hotels, food chains, manufacturing, malls, agricultural plantations, and corporate farms," pahayag ni Labor Undersecretary Ma. Joji Aragon sa pagdinig ng senado sa isyu nitong Miyerkules.

Tinitingnan na umano ng Senate committee on labor, employment, and human resources development ang kalakaran sa labor-only contracting.

"These are the sectors where the prevalence of endo and illegal forms of contracting have been identified," ayon kay Aragon.

Abala umano ang DOLE sa ngayon sa pagpapalakas ng mga inisyatiba para itaguyod ng mga kumpanya ang mga karapatan ng mga manggagawa sa "security of tenure" ng mawakasan na ang 'di makatarungang labor contracting at sub-contracting, kabilang ang  endo (end of contract), dagdag ni Aragon.

Ang endo ay isang kalakaran o sistema kung saan tine-terminate ang kontrata ng mga manggagawa sa loob ng limang buwan upang maikutan ang batas sa mandatory-six-month period na regularisasyon ng mga manggagawa.

Hinihigpitan na umano ng DOLE ang pagpatutupad sa mga "labor standard," kabilang ang mga regulasyon laban sa sub-contracting at endo, sa pamamagitan ng Labor Inspectorate System.

"We will assess—and we asses—all contractors and sub-contractors," pahayag ni Aragon.

"As initial targets, we will start with the 5,150 registered contractors and sub-contractors estimated to be currently deploying 416,343 workers," dagdag niya.

Ayon sa DOLE, kadalasan sa mga lumalabag sa batas laban sa labor sub-contracting ay manpower services, security services, tracking and holding transport, janitorial services, engineering services, wholesale retail, at IT services. — LBG, GMA News