ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Duterte sa sitwasyon ni Mary Jane Veloso: Sana matulungan ko siya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagdarasal umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sana makatulong siya kay Mary Jane Veloso, ang OFW na nasa death row sa Indonesian dahil sa kasong drug trafficking.

"I pray [that] I can do something for her," pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagdating ng 129 repatriated OFWs mula sa Saudi Arabia.

Nakakulong si Veloso sa Indonesia mula pa noong 2010, matapos mahulihan ng droga sa kanyang bagahe.

Nakatakdang magpunta ang Pangulo sa Indonesia mula September 8 hanggang 9, matapos ang kanyang pagbisita sa Brunei mula sa ASEAN Summit in Laos.

Nahaharap si Veloso sa parusang kamatayan, ngunit hindi itinuloy ang kanyang nabitay noong April 2015 dahil na rin sa pakiusap ng pamahalaan ng Pilipinas.

Matatandaang nakiusap ang dating administrasyong Benigno Aquino III sa Indonesia na huwag muna ituloy ang bitay kay Veloso dahil kakailanganin pa ang kanyang testimonya laban sa umano'y illegal recruiter na nagpadala sa kanya sa Indonesia na si Maria Kristina Sergio.

Nilinlang umano ni Sergio si Veloso upang dalhin ng huli sa Indonesia ang bagahe na naglalaman ng 2.6 kilo ng heroin.

Nahuli si  Veloso ng mga awtoridad sa Indonesia at nahatulan ng korte ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. —LBG, GMA News