ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki, patay nang sumaklolo sa kasamahang hinoholdap sa Maynila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang lalaki nang barilin siya ng salarin matapos na tulungan ang kasamahan niyang hinoholdap sa Santa Cruz, Maynila nitong Huwebes ng hapon. Ang kaibigan sinaklolohan, sugatan din.

Sa ulat ni Ivan Mayrina sa GMA News "Saksi" nitong Biyernes, sinabing lumuwas lang sa Maynila ang nasugatang biktima na si Hector Roldan para bumili ng mga piyesa ng sasakyan.

Ang kasamahan na sumaklolo sa kaniya na si Arnold Ramos, nasawi matapos magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib na tumagos sa likod.

Bago ang pamamaril, nakuhanan sa CCTV camera ang dalawang suspek na bumaba mula sa isang kotse na may plakang UEB-804.

Pagkaraan ng ilang minuto, bumalik ang dalawang lalaki at nagmamadaling sumakay sa kotse at umalis.

Sinasabing natangay ng mga salarin ang alahas at pera ng mga biktima.

Nakaalarma na ang ginamit na sasakyan ng mga suspek para matukoy ang kanilang pagkakakilanlan. -- FRJ, GMA News

Tags: crime