ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 lalaki at 1 babae, nakitang patay at may mga tama ng bala ng baril sa Caloocan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki at isang babae ang natagpuang patay at may mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan sa Caloocan City nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni Mark Zambrano sa GMA News TV's "Balitanghali," sinabing may tama ng bala sa ulo, leeg at dibdib ang mga biktima ang mga hindi pa nakikilalang biktima nang makita sa west service road ng barangay 161 sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa isang residente, dakong 4:30 a.m. nang may marinig siyang mga putok na hindi kaagad na inakalang galing sa baril.

Limang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang natagpuan sa crime scene.

Hindi raw residente sa lugar ang dalawang biktima at wala ring pagkakakilanlan.

Ang biktimang lalaki, nakatali ang kamay at may tattoo na "Alheng" at "Torre," habang may tattoo ng scorpion ang kaliwang paa ng babae.

Sinubukan ng GMA News na kunan ng pahayag ang Caloocan police pero wala raw ang kanilang hepe na siyang awtorisadong magsalita sa kaso.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. -- FRJ, GMA News

Tags: crime, waroncrime