ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Composite sketch ng suspek sa Davao City night market bombing, inilabas ng PNP


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inilabas ng Philippine National Police nitong Miyerkules ang composite sketch ng umano'y lalaking kasangkot sa pambobomba sa Roxas night market sa Davao City noong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng mahigit 60 iba pa.

Ayon kay Police Chief Insp. Andrea Dela Cerna, Public Information Officer (PIO) ng PNP- Region 11, nakasuot ng bonnet at face mask ang suspek nang makita sa lugar bago maganap ang pagsabog.

Positibo umanong itinuro ng mga saksi ang suspek na hindi raw inalis ang maskara habang nagpapamasahe.

Ayon pa kay Dela Cerna, patuloy din ang imbestigasyon sa mga itinuturing "persons of interest" sa nangyaring pagsabog.

Batay sa imbestigasyon, pinaniniwalang dalawang uri ng mortar bomb na pinagsama ang ginamit bilang improvised explosive device (IED) na pinasabog sa night market.

-- FRJ, GMA News