ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bangkay ng babae, nakita sa ilalim ng tulay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang bangkay ng babae na may sugat sa mukha ang nakita sa ilog na nasa ilalim ng isang ginagawang tulay sa San Pablo, Laguna.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, sinabing tinatayang nasa 30-anyos ang biktima, may kaputian ang balat at katamtaman ang pangangatawan.

Walang pagkakakilanlan ang babae na nakasuot ng itim na jacket at maong na pantalon.

Sa imbestigasyon, sinabing may nakitang sugat sa mukha ang biktima at may bakas na dumanas ito ng hirap sa hindi pa nakikilalang salarin.

Pinaniniwalaan din na ilang oras nang patay ang biktima bago ito iniwan o itinapon sa ilalim ng tulay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Samantala, nasawi si Mary Anne Sy matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng binabantayang tindahan sa Santo Tomas, Batangas.

Tumakas umano ang mga salarin sakay ng isang kotse.

Batay sa pulisya, nasa kanilang drug watchlist ang biktima.

Hinala ng mga awtoridad, onsehan sa droga ang dahilan ng krimen. -- FRJ, GMA News

Tags: crime