Relasyon ng Tsina at Pilipinas, nasa kritikal na yugto —Sino diplomat
Nasa panibagong kritikal na yugto ang relasyon ng Tsina at Pilipinas, at inaasahan ng Beijing na maingat na suklian ng Manila ang mga inisyatiba sa pagsasaayos ng gusot sa South China Sea, pahayag ng isang Chinese diplomat sa harap ng Philippine delegation sa China.
Sinabi ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin sa delegasyon ng Pilipinas na lumalala ang relasyon ng China at Pilipinas.
"The ties have sunk to a low edge for reasons everyone knows," ayon sa China Foreign Ministry noong Martes.
"At present, China-Philippine relations are at a new turning point," ayon kay Liu sa isang pahayag.
"China hopes the Philippines side can meet China halfway, appropriately handle disputes and push relations back onto the track of dialogue, consultation and friendly cooperation," dagdag ni Liu.
Matatandaang sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos, naatasang special envoy to China, na nais ng Manila ng isang pormal na negosasayon sa China sa pagtuklas ng mga bagong paraan at daan tungo sa kapayapaan at pagtutulungan ng dalawang bansa. —LBG, GMA News