ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mag-ina, pinagnakawan at pinatay sa kanilang bahay;  ginang, ginahasa pa


Patay ang isang ginang at kaniyang 10-anyos na anak matapos silang pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Lubao, Pampanga. Pinagnakawan din ang mga biktima at ginahasa pa ang ginang.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing nadiskubre ang karumal-dumal na krimen nang makita ang duguang bangkay ng mag-ina sa loob ng kanilang bahay.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakip naman ang salarin na si Rommel Canilao, na anak ng labandera ng mga biktima.

Inamin umano ni Canilao na lasing siya nang gawin ang krimen.

Plano lang daw niyang pagnakaw ang mga biktima pero napilitan daw siyang saksakin ang mag-ina nang magising ang mga ito sa gitna ng ginagawang pagnanakaw.

Kabilang sa mga tinangay ng suspek ang ilang alahas, gadget at pera.

Nakakulong ngayon sa Lubao Municipal Jail ang suspek na mahaharap sa patong-patong na kaso. -- FRJ, GMA News

Tags: crime