ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Batang babae na ilang araw nang nawawala, natagpuang patay sa gubat
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Natagpuang patay ang isang walong-taong-gulang na batang babae sa masukal na bahagi ng gubat sa Dingalan, Aurora.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Sabado, sinabing laslas ang leeg ang biktima na kinilalang si Roselyn Cruz.
Ayon sa pulisya, nawala ang biktima noong Martes hanggang sa matagpuan ang kaniyang bangkay sa gubat nitong Biyernes.
Hinihinala ring ginahasa ang biktima dahil wala siyang damit pang-ibaba nang matagpuan.
Hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki na posible raw may nalalaman sa krimen base sa mga nakalap na impormasyon ng pulisya. -- FRJ, GMA News
Tags: childabuse, rape
More Videos
Most Popular