Bidang hayop sa trahedya ni Magsaysay
Isang hayop ang pinarangalan sa Malacanang dahil sa kanyang âkabayanihanâ sa pagsagip sa nag-iisang survivor sa plane crash na ikinasawi ng 26 katao kasama na si dating Pangulong Ramon Magsaysay. Alam nyo ba kung anong hayop ito? Mula sa Cebu, inilipad papunta sa Malacanang ang asong si âAbante" dahil sa tulong nya para mailigtas si Nestor Mata, ang nag-iisang survivor sa pagbagsak ng presidential plane na âMt. Pinatubo" sa bundok Manung-gal sa Cebu noong Marso 1957. Sa dilim ng gabi, sumugod sa crash site ang isang residente sa lugar na si Marcelino Nuya at asong si Abante. Sa pamamagitan ng kahol ni Abante, natunton ni Nuya ang kinaroroonan ng sugatan na si Mata. Ngunit nahaluan ng kontrobersya ang pagbibigay ng parangal kay Abante sa Malacanang dahil hindi nakasama ang kanyang amo na si Nuya. Bukod pa rito, may intriga na rin na hindi âAbante" ang tunay na pangalan ng aso, kundi isang kilalang pulitiko noong panahong iyon. - GMANews.TV