ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

HS student na babae, dinala umano sa motel at inabuso ng kaniyang guro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Arestado ang isang guro sa Cebu City matapos dalhin umano sa motel at abusuhin ang kaniyang menor de edad na estudyante. Ang suspek, ipinadala pa raw sa mga kaibigan ng biktima ang larawan nila na kuha sa cellphone.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Martes, kinilala ang dinakip na high school teacher na si Reginald Abadia.

Base sa report ng pulisya, sa isang motel umano naganap ang pang-aabuso ng suspek sa kaniyang 15-anyos na estudyante.

Nakakuha rin umano ang pulisya ng kopya ng larawan habang nasa motel ang guro at estudyante na ipinadala umano ng suspek sa mga kaibigan ng biktima.

Dahil sa nangyari, hindi raw nakauwi sa kanilang ang biktima kaya nagpatulong ang mga magulang niya sa barangay para hanapin.

Natunton ng mga opisyal ng barangay at nasagip ang dalagita sa bahay ng suspek.

Noong una ay itinanggi pa umano ng guro na kasama na nito sa bahay ang biktima.

Dinakip ng mga barangay official ang guro at dinala sa dinala sa istasyon ng pulisya.
Mariing itinanggi ng guro ang paratang laban sa kaniya.

Samantala, magsasagawa naman ng hiwalay na imbestigasyon ang paaralan na pinagtatrabahuhan ng suspek.

Sinampahan na mga awtoridad ang suspek ng kasong abduction in relation to child abuse. -- FRJ, GMA News

Tags: childabuse, rape