ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
TATAMA SA CAGAYAN AREA

Bagyong 'Lawin,' lumakas habang tinatahak ang Northern Luzon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lumakas pa ang bagyong "Lawin" habang tinatahak ang direksyon ng Hilagang  Luzon, ayon sa anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng gabi.

Sa 11:00 p.m. update ng PAGASA, nakasaad na inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan Area ang bagyo sa Huwebes ng umaga.  Dadaan ito sa Apayao at Ilocos Norte, bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng umaga.

Namataan ang bagyong "Lawin" sa layong 755 kilometers sa silangang bahagi ng Baler, Aurora, taglay ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugso ng hanggang 240 kph.

Kumikilos ito patungong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Nakataas ang babala ng bagyo bilang dalawa (signal no. 2) sa Cagayan, Isabela at Northern Aurora.

Signal number 1 naman sa Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, kasama ang Calayan group of Islands, Batanes group of Islands, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, Catanduanes, at Polillo Islands.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.

Lalabas ang susunod na abiso mula sa PAGASA sa ganap na 5:00 a.m. sa Miyerkules. — FRJ, GMA News