ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Duterte, umaasang makahikayat ng mamumuhunan mula Japan

 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na maraming ma-eenganyo na mga hapones na magnegosyon sa Pilipinans.

Yan kung magiging business-freindly ang polisiya ang bansa.

"By cultivating an environment conducive in doing business, we are confident that more Japanese businesses will flow and go to the Philippines," pahayag ni Duterte sa isang talumpati sa harap ng Japanese business community at sa Philippine Economic Forum na idinaos sa Prince Tower Tokyo Hotel.

Ayon sa Pangulo,  "the government is putting in policies aimed at ensuring stability in the macroeconomic level."

Kabilang sa mga pagtutuunan ng polisiya ay ang pagiging conpetitive ng ekonomiya, pagpapadali sa pagtatayo ng mga negosyon,  paglalaan ng malaking pondo para sa mga batayang imprastraktura, at sa human capital development.

"We would like to see more investors and businesses setting up shops in the Philippines," pahayag ng Pangulo.

Layon din umano niyang makapaglikha ng maraming trabaho sa pamamagitan ng paghikayat ng foreign investors na mamuhunan sa bansa.

Sinabi rin niyang isang prayoridad ang pagpanatili sa matibay na ugnayang ng Japan at Pilipinas sa larangan ng ekonomiya.

"We look to Japan as a steady fulcrum in our regional engagement as the Philippines' first and only bilateral free trade partner today," giit ni Duterte.

"It [Japan] has been our top trading partner, top source of improved investments, and  second major source of official development assistance," dagdag niya.

Higit na inaasahan ni Duterte ang suporta ng Japan sa Pilipinas sa larangan rural development, pagpapalago sa agricultural productivity, pagtatayo ng mga imprastraktura at sa human capital development. —LBG, GMA News