ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

63-anyos na lola, ginahasa umano ng drayber


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki sa Santa Maria, Bulacan ang dinakip ng mga awtoridad matapos siyang akusahan ng panggagahasa sa 63-anyos na lola.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, kinilala ang suspek na si Raymundo Sandico, 47-anyos, nagsisilbi umanong drayber at helper ng biktimang lola, na isa ring biyuda.

Ayon sa pulisya, naganap ang krimen noong bisperas ng Undas matapos makipag-inuman umano ang suspek para ipagdiwang nito ang kaarawan.

Natutulog umano ang biktima sa sofa nang dumating ang suspek at doon na isinagawa ang panggagahasa.

Ang biktima, hindi raw nakapanlaban dahil sa kapansanan nito nang na-mild stroke.

Nagpositibo sa resulta ng medico legal examination na ginalaw ang lola, ayon sa ulat.

Nakadetine na si Sandico at nahaharap sa kasong rape. -- FRJ, GMA News

Tags: rape