ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
MGA BABAE, PINAPA-DROGA UMANO

Lalaking door-to-door umano kung ibugaw ang mga menor de edad na babae, huli


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nadakip ng mga awtoridad sa isang operasyon ang lalaking nasa likod umano ng door-to-door na pambubugaw sa ilang menor de edad na babae sa Las Piñas City.

Ayon sa ulat ni John Consulta sa GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, nadakip sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Arthur Realiza, 57-anyos.

Nahuli umano si Realiza sa akto habang nasa kalagitnaan ng transaksyon sa prostitusyon.

Kaagad na ipinakita sa kaniya ang ipinalabas na warrant of arrest ng korte laban sa kanya dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o violence against women.

Nasagip naman sa naturang operasyon ang dalawang babae na ginagamit daw ni Realiza sa prostitusyon.

Ayon sa NBI, "door-to-door" na pambubugaw ng mga menor de edad sa kanilang kliyente ang modus ni Realiza.

Pero bago umano ihatid ang mga babae, pinapagamit pa daw muna ang mga ito ng droga para "high" na bago pa man makikala ang kliyente.

Mariin namang itinanggi ni Realiza sa mga alegasyon laban sa kaniya. -- FRJ, GMA News

Tags: prostitution