ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Umano'y drug den sa Plaridel, Bulacan, pinagbabaril; 5, patay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lima ang nasawi matapos pagbabarilin ng hinihinalang vigilante group ang isang bahay na umano'y ginagawang drug den sa Plaridel, Bulacan nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing dakong 10:00 pm nang paputukan ng mga nakatakas na salarin ang bahay.

Magkakatabi umanong dinatnan ng mga awtoridad ang buguang mga bangkay ng biktima.

Dahil madilim ang lugar na pinangyarihan ng krimen, wala raw nakasaksi sa pamamaril.

Hinihinala ng mga awtoridad na vigilante group ang pumaslang sa mga biktima. 

Nakuha umano naman mula sa mga biktima ang ilang sachet na hinihinalang may lamang shabu at mga drug paraphernalia.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente. -- FRJ, GMA News

Tags: crime