Autopsy report: Bugbog ang ikinamatay ni Mendez
Lumabas sa autopsy report ng pulisya na namatay si Cris Anthony Mendez ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) dahil sa bugbog sa ilang bahagi ng kanyang katawan. Batay sa resulta ng ginawang pagsusuri ng Quezon City Police District (QCPD) crime laboratory, nagtamo si Mendez ng 10 hematoma at ilang sugat sa dibdib, tuhod, at binti. Ang 20-taon gulang na mag-aaral ay nagtamo rin ng sugat sa magkabilang braso na may habang 50 centimeters, pati na rin sa kanyang balikat, May namumuong dugo rin sa likod. Lumabas din sa pagsusuri na ang mga baga ni Mendez ay âcontused" at âhemorrhagic" samantalang ang iba pa niyang organs sa abdominal area ay kapuna-punang âcongested." Ang medico legal officer na si Chief Inspector Filemon Porciuncula Jr ang gumawa ng pagsusuri subalit hindi siya nakausap ng GMA News upang magbigay-linaw sa kanyang ulat. Dinala si Mendez sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) bandang 1:08 a.m. ng Agosto 27 subalit idineklarang patay na ito ng idating sa pagamutan. Ayon sa pahayag ng gwardiya ng ospital na si Jonathan Garduce sa National Bureau of Investigation (NBI), isang nagngangalang Dr Francisco Cruz, kasama ang kanyang anak, at iba pang tao, ang nagdala kay Mendez sa ospital. Handang magbigay ng pahayag si Cruz tungkol sa insidente, ayon kay Superintendent Lino Banaag, chief ng QCPD Homicide Division. "Cris was brought to the Cruz residence. He was weak. As a doctor, Francisco resuscitated him and gave him CPR (cardio-pulmonary resuscitation). Then he instructed his son to rush Mendez to Veterans (hospital)," ayon kay Banaag patungkol sa sinabi sa kanya ni Cruz sa kanilang pag-uusap sa telepono. Kabilang sa mga tatanungin ng awtoridad tungkol sa insidente si Cruz, isang opthalmologist sa VMMC at ang attending physician sa naturang ospital na si Dr Daphne Gascon upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni Mendez. Iimbiestigahan din ng NBI si VMMC administrative officer Dolores Geronimo. Kukunin din ng pulis ang pahayag nina Ariel Paolo Ante, Fuzzy Clemente at Rina Reyes, mga estudyante ng UP National College of Public Administration and Governance (NCPAG), na huling kasama ni Mendez bago ito mamatay. Sina Ante at Clemente ay pinaniniwalaang miyembro ng Sigma Rho fraternity batay sa mga paunang na ulat. Sinabihan din ng NBI ang UP Sigma Rho fraternity na makipag-ugnayan sa kanila sa imbestigasyon. Isinisisi sa grupo ang pagkamatay ni Mendez subalit wala pang ni isa sa kanila ang lumutang upang magpaliwanag. Pinatawan ng 30-araw na preventive suspension ng UP administration ang apat na opisyal ng Sigma Rho fraternity na sina Raul Grapilon, Roland Chua Andrew Dela Rosa, at Armand Sapitan. Napag-alaman na iang overseas Filipino worker (OFW) ang ama ni Mendez at hindii siya naka-uwi sa lamay at libing ng kanyang anak dahil noong nakaraang buwan lamang siya nagbakasyon. - GMANews.TV