ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
SA KABILA NG RUBOUT FINDINGS

Duterte, ‘di papayag na makulong ang mga pulis sa ‘Espinosa slay’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na makulong ang mga pulis na sangkot sa insidente sa kulungan sa Baybay City na ikinamatay ng pinaghihinalaang Eastern Visayas drug lord na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Kahit na ipinakita sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na murder ang nangyari at hindi sa shootout napatay si Mayor Espinosa.

Sa kanyang talumpati nitong Miyerkules sa isang aktibidad para sa Urban Poor Solidarity Week na idinaos sa Mandaluyong City, sinabi ni Duterte na maaaring magsampa ng kaso ang NBI laban sa mga pulis.

Ngunit iginiit niyang handa siyang depensahan ang mga pulis na nasangkot sa pagkapatay kay Espinosa.

"Ang finding ng pulis ... murder... ay NBI. Good. Ako, naniniwala ... sa police. Ang mga mayor, sino ba ang pinapaniwalaan nila? Police o ang mayor? Kung ano ang sinabi ng pulis, iyan ang totoo sa akin," pahayag ni Duterte.

"I will not allow these guys to go to prison maski sabihin ng NBI [na] murder [ang nangyari]. Tutal, under ko man ang NBI. Under ko rin iyan, ang Department of Justice. But I do not interfere," palilinaw niya.

"May finding sila? Good. [I]-File nila ang kaso. Pero hindi ko pabayaan ang mga pulis na ito kasi ako ang may utos eh," giit ni Duterte. — LBG, GMA News