ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Pagregalo' ng sex toy doll sa isang opisyal sa Chile, inulan ng binatikos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inulan ng batikos sa social media at ikinagalit din ng pangulo ng Chile ang tradisyunal na salu-salo na ginagawa ng isang kilalang asosasyon ng exporter nang regaluhan nila ng inflatable sex toy doll ang economic minister ng bansa.

Sa ulat ng Reuters, sinabing hindi nagustuhan ni President Michelle Bachelet at mga netizen ang ginawang pagreregalo ng exporters' association na Asexma ng inflated sex doll kay Economic minister Luis Cespedes.

Lumabas ang larawan na hawak ni Cespedes ang naturang laruan na pabirong simbulo umano na "to stimulate the economy."

Tradisyunal na umanong ginagawa ng Asexma ang pagbibigay ng mga "nakatutuwang" regalo sa kanilang mga VIP guest sa kanilang taunang salu-salo na isinasagawa.

Gayunman, nabigo ang naturang pagbibiro dahil hindi ito nagustuhan ng kauna-unahang babaeng lider ng Chile.

"The fight for respect for women has been an essential principle in my two governments," saad ni Bachelet sa kaniyang Twitter account. "What occurred at the Asexma dinner cannot be tolerated".

Ang naturang pahayag ni Bachelet ay ni-retweet na ng mahigit 2,900 at may "like" ng mahigit 3,300, bukod pa sa komento.

Humingi na ng paumanhin si Cespedes sa natanggap niyang regalo na hindi raw niya inaasahan.

Gayundin ang pinuno ng Asexma na si Roberto Fantuzzi.  -- FRJ, GMA News

Tags: sextoys, chile