ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nagwalang aso, namatay matapos makakagat ng 22 tao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawampu't dalawang residente, kabilang ang kapitan ng barangay, ang nakagat ng isang aso na nagwala at pagkaraan ay namatay sa Mandaue City, Cebu.

Sa ulat ni Chona Carreon ng GMA-Cebu sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing Biyernes ng hapon nang nagsimulang mangagat ang aso na alaga ng isang residente.

Kuwento ni Jee-Ann Villarez, ang unang nakagat ng aso, pauwi na siya mula sa klase nang madaanan niya ang aso at basta na lang siya kinagat sa likod ng binti.

Nakagat naman sa paa ang kapitan ng barangay na si Oscar del Castillo nitong Sabado ng gabi habang hinuhuli na nila ang aso.

Bagaman nahuli ang aso, kinalaunan ay namatay din ito kaya ipinasuri ang ulo nito para masuri kung positibo sa rabies.

Binakunahan na ng anti-rabies ang mga nakagat sa Mandaue City Health Office.

Hinikayat nila ang mga biktima na kompletuhin ang apat na shots ng anti-rabies.

Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan sa mga may-ari ng hayop na maging responsable sa pag-alaga, habang hinikayat naman ang mga residente na ipagbigay-alam sa barangay ang mga pagala-galang aso. -- FRJ, GMA News

Tags: dogbite, rabies