ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
SA KANIYA ANG ULO NA NAKITA SA MAKATI

Babaeng natagpuang walang ulo, nakilala; 2 person of interest, hinahanap


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakilala na ang babae na natagpuan ang ulo sa isang creek sa Makati kamakailan. Lumitaw sa imbestigasyon na ito ay bahagi ng katawan na nakitang walang ulo sa Bulacan.

Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Richelle Sagang, isang kasambahay sa isa subdivision sa Muntinlupa City.

Enero 12 nang makita sa gilid ng kalsada sa Santa Maria, Bulacan ang katawan na walang ulo ng biktima.

Ilang araw ang nakalipas, nakita naman sa creek ang ulo ng babae sa barangay Pitogo sa Makati.

Itinuturing naman ng Southern Police District na person of interest ang huling nakitang kasama ni Sagang na sina Chrissa Mae Anial Chai alias Samantha, at Niron Leon Marcos o alias Saron.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing ang dalawa ang kasama ni Sagang nang dalhin ng amo sa guard house ng subdivision noong January 12 .

Inirereklamo umano ng amo si Sagang ng pagnanakaw at ipinapa-ban sa naturang subdivision.

Ayon kay P/Chief Supt. Tomas Apolinario, District Director, SPD, lumilitaw sa affidavit na nakuha ng pulisya na may nawawalang pera na nakasaad sa blotter sa  administration office.

Bilang bahagi ng standard operating procedure, kinunan ng guwardiya ng litrato ang biktima at dito mapapansin ang tila galos at pasa ng biktima sa pisngi.

Inaalam ngayon ng mga imbestigador kung saan napunta ang biktima matapos dalhin sa guard house.

"Mayroon siyang gun shot wound sa chin at nag-exit sa ulo, so the SOCO  inferring na this is the first cause of death then, pinutol ang ulo," ani Apolinario.

Bagaman magkapareho ang damit na suot ni Sagang at sa bangkay na walang ulo sa Bulacan, isailalim pa rin sa DNA test ang biktima.

Nakikipag-ugnayan na rin umano Makati Police sa amo ng biktima, na hindi pa pinapangalanan.

Nauna na raw itong nagpadala ng abogado para sabihing wala siyang kinalaman sa nangyari at handa raw siyang makipagtulungan sa imbestigasyon. -- FRJ, GMA News