ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
POSIBLENG NI-RAPE

Babaeng hinihinalang lango sa droga, iniwan sa bangketa ng 4 lalaking sakay ng van


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang babaeng hinihinalang lango sa droga at posibleng ginahasa ang iniwan ng mga lalaki sa isang bangketa sa Taytay, Rizal. Ang sasakyan ng mga lalaki, pula o government red plate ang plaka.

Sa ulat ni Mav Gonzales sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Martes, ipinakita ang kuha ng CCTV sa C-6 sa Taytay dakong 1:00 p.m. nitong Lunes, ang puting van na may red plate na tumigil sa gilid ng kalsada.

Maya-maya, bumaba ang ilang lalaki at kasama ang isang babae na naka-dilaw na t-shirt.

Itinulak ang isang lalaki ang babae na mapaupo sa gilid ng bangketa, at umalis ang van.

Hindi nagtagal, naghubad ang babae, umihi sa kalsada at nagsayaw nang walang saplot sa katawan.

Dumating naman ang traffic enforcer para itabi ang babae at rumesponde rin ang Taytay rescue para sagipin ang 'di pa nakikilalang babae na dinala sa mental hospital.

Ayon kay Jena Sicat, ng Taytay CCTV Command Center, hindi pa nila malaman ang pangalan ng babae na tila raw bangag sa droga.

Hinihinalang hinalay ang babae dahil may pamamaga raw sa maselang bahagi ng katawan nito.

Ang sinabi nung babae, kung hindi siya magdodroga baka saktan siya o patayin, pahayag ni Sicar.

Inaalam pa kung anong ahensya ng gobyerno o LGU nakatalaga ang van na ginamit ng mga lalaki na may plakang SKR-871. -- FRJ, GMA News