Isang romantiko nagpropose ng kasal sa nobya sa kalagitnaan ng Hot Air Balloon Festival
Sa daan-daang taong pumunta sa Clark, Pampanga para sa huling araw ng Hot Air Balloon Festival nitong Linggo, isang romantiko ang nagpropose ng kasal sa kanyang nobya.
Sa kalagitnaan ng hot air baloon night glow event, niluhuran ni Olan Ignacio ang kasintahang si Jen Montoya at nagpropose ng kasal.
"Naglakas-loob na ako ngayon kasi magandang even ito para mag-propose at mag-confess sa kanya na talagang serious ako na papakasalan ko siya," ani Ignacio.
Ayon sa dalawa, walong taon na silang magkasintahan.
Nasaksihan ng magnobyo at marami pang mga tao sa Clark ang pagpapalipad ng mga hot air baloon at kakaibang mga saranggola.
Patok sa mga nanonood ang hot air baloon design na Master Yoda at pink elephant.
Nagustuhan din ang mga dambuhalang kite designs na cobra, alien at Angry Bird.
Taun-taon ginaganap ang Hot Air Balloon Festival sa Clark. —ulat ni Athena Imperial/ALG, GMA News