ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

11-ft. na sawa, nahuli sa barangay hall sa Santa Rosa, Laguna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Isang sawa ang nahuli ng mga tanod sa drainage pipe ng isang barangay hall sa Santa Rosa, Laguna.

Ayon sa kapitan ng barangay, may haba itong labing-isang talampakan.

Pagkahuli ng sawa, nilagyan ito agad ng tape sa bibig at binasa ang nguso para hindi ma-dehydrate.

Ito rin umano ang lumabas doon na sawa dalawang taon na ang nakakaraan.

Hinala nila, lumaki na sa lugar ang sawa at nangingitlog pa sa loob ng drainage.

Nakatakda namang i-turn over sa Department of Environment and Natural Resources ang hayop. —JST, GMA News