ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kaso vs Sentosa ibinasura ng POEA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinasura ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang reklamo laban sa kumpanyang Sentosa Recruitment Agency na inakusahang hindi tumupad sa kontrata ng mga kinuhang Pinoy health workers na ipinadala sa US noong 2006. Ayon sa ulat ng GMA 7 news 24 Oras nitong Martes, ibinasura ng POEA ang reklamo laban sa Sentosa dahil hindi umano nakapagpakita ng sapat na katibayan na inipit ang sahod ng mga nagrereklamong nurse. Lumitaw din umano sa imbestigasyon ng POEA na walang ginawang paglabag ang kumpanya sa mga regulasyon sa pagpapadala ng manggagawa sa ibang bansa. Sinabi naman ni Department of Labor (DOLE) Sec. Arturo Brion na maaari pang iapela sa kanyang tanggapan ang desisyon ng POEA. Bahagi ng reklamo laban sa Sentosa na inihain sa POEA ni Atty. Felix Vinluan, abogado ng 26 nurse at isang physical therapist na ipinadala sa US, ang "illegal substitution of contract and misrepresentation." Inihayag ni Vinluan na 55 nurse ang kinuha ng Sentosa noong 2006 at ipinadala sa US. Ngunit sa halip na direct hired nurses ng ahensiya ay ipinadala umano ang mga ito sa ibat-ibang nursing homes. Inakusahan din ni Vinluan na inupuan ni POEA Administrator Rosalinda Baldoz ang kanyang reklamo na umabot umano sa mahigit 17 buwan. Una rito, ibinasura ng US Department of Justice ang hiwalay na reklamo na inihain sa Sentosa. - Fidel Jimenez,GMANews.TV