ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
ALAMIN

Anong kapangyarihan mayroon si Lolo Babay na kaya raw mapaamo ang buwaya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kamakailan lang, isang malaking buwaya ang nahuli sa Liguasan Marsh sa bahagi ng barangay Cuyapon sa Kabacan, North Cotabato. At tulad ng ibang buwaya na nahuli sa lugar, isang tao ang inasahan ng mga residente na huhuli sa mapanganib na hayop— si Lolo Babay.

Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabing halos 12-feet ang haba ng pinakahuling buwaya na nahuli ni Lolo Babay, o Mamangkas Mangatong.

Hinahangaan ng mga residente si Lolo Babay dahil madali nitong naigagapos ang buwaya dahil tila napapaamo raw nito ang dambuhalang hayop kapag hinagisan na niya ng dahon.

Pero maliban sa kakaibang talento ni Lolo Babay sa paghuli ng buwaya, isang mahalagang impormasyon daw ang naibigay ng matanda sa mga nag-aaral tungkol sa pag-uugali ng iba't ibang species ng buwaya.

Ayon kay Prof. John Aries Tabora, Crocodile Reseach-University of Southern Mindanao, ang dalawang buwaya na nahuli ni Lolo Babay na nasa pangangalaga ng crocodile rescue center ng Philippine Army sa bayan ng Carmen, ay mula sa magkaibang uri— isang Philippine crocodile at isang Indo-Pacific crocodile.

Ang Philippine crocodile ay isang uri ng buwaya na makikita sa mga tubig-tabang o freshwater, habang sa tubig-alat naman makikita ang mga Indo-Pacific crocodile.

Ayon kay Tabora, dahil sa pagkakahuli ni Lolo Babay sa dalawang uri ng buwaya, nagkaroon sila ng kauna-unahang dokumentasyon na maaaring magsama sa isang lugar ang dalawang uri ng buwaya.

"First time na documented na ang isang Philippine crocodile na makikita sa tabang na tubig at salt water croc o Indo-Pacific croc ay makikita sa isang lugar," anang propesor. "Dini-deny [dati] na maaaring magsama sa isang lugar [sa] Liguasan nakita sila, nakuha ang dalawa."

Panoorin ang buong video sa naturang episode ng "KMJS" tungkol kay Lolo Babay, ang kilabot ng mga buwaya.

 

Click here for more of News and Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News