ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Eksperto, may paliwanag tungkol sa viral video ng napakaraming insektong lumilipad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kumalat sa social media nitong Martes ang video post na makikita ang paglipad ng napakaraming insekto, na napag-alamang mga bubuyog sa Ortigas, Pasig.  Sa harap ng pangamba ng ilang netizen na baka may masamang balitang hatid ang ikinilos ng mga bubuyog, may paliwanag naman ang isang eksperto.

Sa ulat ng GMA News TV's "State of the Nation" nitong Martes,  nakasaad sa video post ni Gabz Laurel na tila sumalakay daw ang mga bubuyog dakong 3:00 p.m., at tumagal daw ng may isang oras ang paglipad nila sa lugar.

May ilang netizen na nakakita sa video ang nagkomento na baka may masamang mensaheng hatid ang paglipad ng napakaraming bubuyog na hindi umano pangkaraniwang mangyari.

Ang iba naman, binalewala ang pangamba at idinaan sa mga biro ang komento.

Pero paliwanag ng isang eksperto sa bubuyog, maaaring ang pangyayari ay bahagi ng pre-productive season ng mga insekto.

"Kasi this season, may tinatawag tayong pre-productive swarm. Dumaan lang 'yan diyan, hahanap sila ng permanent na matitirhan," ayon kay Dra. Cleofas Cervencia. -- FRJ, GMA News

Tags: insects, bees