ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
LOOK

Dolphin na ayaw bumalik sa laot, namatay sa dalampasigan ng Albay


Spinner dolphin. --All photos by Elmer Cañeta

Namatay sa dalampasigan ang isang spinner dolphin na napadpad sa baybayin ng Barangay Pantao sa bayan ng Libon sa Albay nitong Sabado.

Ayon sa mga mangingisda, makita nila ang dolphin malapit sa pampang at sinubukan nilang itaboy papuntang laot. 

Ngunit, pilit na bumabalik ang dolphin hanggang sa maabutan ito ng low tide dakong ala-siete ng umaga, at kalauna'y nakita itong patay na.

Maaari umanong na-stress ang hayop, ayon sa isang barangay kagawad ng Pantao. 

Walang anumang sugat sa katawan nito maliban sa ilang gasgas sa may buntot. 

Agad namang pinagkakaguluhan ng mga taga-barangay ang dolphin na may timbang na tinatayang aabot sa 60 hanggang 70 kilos.

Ayon sa mga lokal na opisyal, hinihintay na lamang nilang darating ang mga taga-Bureau of Fisherie and Aquatic Resources na susuri sa dolphin upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News