Babae't lalaki, binaril sa tindahan sa Q.C.; rider na nagpapa-gas, patay din
Tatlo katao ang binaril at napatay sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi. Ang isang biktima, binaril habang nagpapa-gas ng kaniyang motorsiklo.
Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado, sinabing sabay na pinatay sa harap ng isang tindahan sa barangay Holy Spirit sa Commonwealth Avenue sina Christina Padual, 30-anyos, at ang lalaki na kinilala lang sa pangalang alyas Alvin.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tatlong salarin umano ang bumaril sa dalawa.
Ayon sa ama biktimang babae, wala siyang alam na kaaway ng kanyang anak na hiwalay na umanong namumuhay sa kanila.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkakilala ang dalawang biktima at motibo sa krimen.
Samantala, isang motorcycle rider din ang binaril at napatay habang nagpapa-gas umano sa Zabarte Road sa Quezon City.
Motor rider na nagpapa gas pinagbabaril sa Zabarte Rd. QC @dzbb pic.twitter.com/cOTbAzZFmm
— olanbola (@olanbola) March 3, 2017
-- FRJ, GMA News