ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Honest trike driver sa CamNorte, nagsoli ng wallet na may P20k cash
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hinangaan ang isang tricycle driver sa Camarines Norte matapos magsoli ng napulot na wallet na naglalaman ng P20,000.
Agad-agad umanong dinala ng honest driver na si Nelson Dar sa tanggapan ng Paracale Police ang napulot na wallet.
Ayon sa ulat ni GMA News stringer Peewee Bacuño sa "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabi umano ni Dar na kahit matindi ang kanyang pangangailangan sa pera, hindi umano niya magawang pag-iteresan ang perang hindi sa kanya.
Malaki ang pasasalamat ng may-ari na naibalik ang kanyang wallet, na bukod sa perang (P20,00) may mga importanteng personal na gamit din sa loob nito. —LBG, GMA News
Tags: honestdriver, camarinesnorte
More Videos
Most Popular