Si ‘Tisoy’ sa libing ni FPJ
Disyembre 22, 2004 nang ihatid ng libu-libong tagahanga si Fernando Poe Jr sa kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery. Ngunit maliban sa magandang ataul at karosa na pinaglagyan ng labi ng Hari ng Pelikulang Pilipino, may isa pang takaw pansin sa mga tao nang mga sandaling iyon, si âTisoy." Alam nyo ba kung sino siya? Si âTisoy" ang puting kabayo na humila sa karosa na pinaglagyan ng labi ni FPJ. Kilalang mahilig sa kabayo ang aktor kaya naman naisipan ng magkaroon ito ng papel sa paghahatid sa kanya sa libingan. Bukod kay âTisoy," sinasabing nakareserba ang isa pang kabayo na si âBonus" na pamalit kay âTisoy" sakaling napagod siya sa daan patungo sa libingan. Ngunit hindi na nagamit si âBonus" dahil tinapos ni âTisoy" ang kanyang papel kahit inabot pa ng tatlong oras ang kanyang biyahe sa paghatid kay FPJ sa North cemetery. Sa naturang libingan nakahimlay din ang kanyang ama na si Fernando Poe Sr. Tumakbo sa panguluhang halalan si FPJ noong May 14, 2004 pero natalo kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Inakusahan ng kampo ni Poe na nandaya si Gng. Arroyo kaya nanalo. Gabi ng Disyembre 11, 2004 nang isugod si Poe sa Saint Luke's Medical Center sa Quezon City dahil sa stroke. Pero makaraan ng tatlong araw ay pumanaw din ang aktor sa edad na 65. â GMANews.TV.