ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
TRAHEDIYA SA PARAISO

Dalawang dayuhang turista, nalunod sa Palawan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nauwi sa trahediya ang pamamasyal sa Palawan ng dalawang dayuhang turista nang malunod sila sa isa sa mga sikat na lawa ng lalawigan.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes, sinabing nalunod ang dalawang Czech nationals habang lumalangoy sa Kayangan lake sa Coron, Palawan.

Bago ang trahediya, kasama umano ng mga biktima ang kanilang  mga kaibigan habang nag-i-snorkeling.

Pero nang nag-free diving daw ang dalawa, hindi na sila nakaahon hanggang sa nalunod.

Sinabi naman ng mga awtoridad na walang kasamang tour guide ang grupo ng mga turista nang magpunta sa lugar.

Dahil sa insidente, pansamantalang isinara ang lugar habang isinasagawa ang imbestigasyon at makapaglatag ng patakaran para sa kaligtasan ng mga bisita. -- FRJ, GMA News

Tags: coronpalawan