Bagyong 'Falcon' may dalang malakas na ulan
Inaasahang may dalang malakas na ulang ang namuong bagyong âFalcon" habang hinihila nito palapit ng bansa ang hanging habagat, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Huwebes. Sa huling advisory nito alas-5 ng hapon, sinabi ng Pagasa na ang bagyong âFalcon (international name: Nari)" ay may maximum sustained winds na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna nito at bugso ng hangin na aabot sa 80 kph. Nasa layong 1,090 kilometro sa east-northeast ng Batanes ang bagyo at naglalakbay patungong west-northwest sa bilis na 22 kph, ayon sa Pagasa. Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang katimugang Luzon, ang mga pulo sa Visayas at ang Mindanao. Mananatili naman ang mahina hanggang katamtamang hangin sa timog-kanluran ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao habang manggagaling sa hilagang-kanluran pakanluran ang hanging sa ibang bahagi ng Luzon. Samantala, mahina hanggang katamtaman ang alon sa karagatan sa buong bansa. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV