ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rider ng motorsiklo, patay nang tumilapon matapos madaanan ang isang 'humps'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahuli-cam ang aksidenteng kinasangkutan ng isang rider matapos siyang tumilapon mula sa pinapatakbong motorsiklo nang madaanan ang isang "humps" sa Malolos, Bulacan. Ang biktima, nasawi matapos mabagok ang ulo sa kalsada.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules,  makikita sa kuha ng closed-circuit-television camera ang mabilis na takbo ng rider na nakilalang si Russet Casipit sa barangay longos sa Malolos, Bulacan.

Hindi nagdahan-dahan sa takbo ang motorsiklo kahit na may nadaanan itong "humps" na dahilan ng kaniyang pagsemplang at pagtilapon.

Wala umanong suot na helmet si Casipit kaya matindi ang naging pinsala ng pagkakabagok ng ulo nito sa sementado na naging dahilan ng kaniyang pagpanaw.

Napag-alaman din na lasing umano si Casipit nang mangyari ang insidente.

Bagaman wala nang plano ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa barangay dahil sa mataas na "humps," hiniling na lang nila na alisin na ito upang hindi na makadisgrasya. -- FRJ, GMA News

Tags: accident