Kanino ipinangalan ang Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila
Ang Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ang isa sa mga lugar sa bansa na simbulo ng kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon. Pero sino nga ba si Miranda na pinagmulan ng pangalan ng nabanggit na plaza?
Bahagi ng kasaysayan ng bansa ang Plaza Miranda dahil sa mga mahahalagang pangyayari na naganap dito. Sa panahon ng eleksiyon, dito ginagawa ang mga proklamasyon at miting de avance ng mga partido pulitikal.
Noong 1971, naging madugo ang meeting de avance ng Liberal Party nang hagisan ng granada ang entablado na nagresulta sa pagkamatay ng ilang dumalo sa pagtitipon, at malubhang pagkakasugat ng ilang prominenteng politiko tulad ni dating Senate President Jovito Salonga.
Sinasabing ang Plaza Miranda ay ipinangalan kay Jose Sandino y Miranda, na nagsilbing Secretary of the Treasury sa pagitan ng 1833 hanggang 1854. -- FRJ, GMA News