ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Riding in tandem na kumaladkad sa babaeng inagawan nila ng bag, arestado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nadakip na ang riding in tandem na nahuli-cam na kumaladkad sa babaeng inagawan nila ng bag sa Maynila noong nakaraang linggo. Ang biktima, nagtamo ng malalaking galos sa binti at katawan, bukod pa sa matinding trauma.

Sa ulat ni Mav Gonzales sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Miyerkules, ipinakita ng biktima na gumagaling na ang mga sugat na tinamo niya sa pagkakakaladkad sa kaniya ng mga suspek nang hindi niya binitawan ang kaniyang bag.

WATCH: Babae, nakaladkad ng motorsiklo matapos hablutin ang kaniyang bag

Nitong Martes, naaresto ng mga awtoridad sa Tundo ang mga suspek na sina Norman Gaspar alyas Chocho, at Christoper Reyes alyas Topi.

Si Gaspar umano ang rider ng motorsiklo, at si Reyes naman ang angkas na umagaw ng bag ng biktima.

Positibong kinilala ng biktima ang dalawa, aa ayon sa mga pulis ay may dati nang may record ng robbery snatching.

Katunayan, panglimang beses na raw na makukulong si Gaspar.

Dagdag pa ng pulisya, may mga kasamahan pa ang mga suspek na kung tawagin ay "snatcher on wheels" ang modus.

Mistulang maamong tupa at halos hindi makakibo ang mga suspek nang makaharap ang kanilang biktima.

Ayon sa mga suspek, hindi nila sadya na makaladkad ang biktima.

Kakasuhan ang dalawa ng robbery snatching at serious physical injury. -- FRJ, GMA News

Tags: hulicam, psstnews