Rebolusyon ng mga Tsino
Sa kasaysayan ng pagsakop ng España sa Pilipinas, kadalasan ang pakikidigma lang mga magigiting na Filipino ang madalas maikwento. Pero alam nyo ba na maging ang mga Tsino ay nakipaglaban sa mga Kastila dito sa ating bansa. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, partikular sa Maynila noong 1570 sa pangunguna nina MartÃn de Goiti at Juan de Salcedo kasama ang may 300 sundalo ay nakaapekto ng malaki sa malayang pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa mga Filipino at iba pang lahi. Kaya naman noong 1574, sumalakay sa Maynila ang may 3,000 Chinese kasama ang 62 barkong pandigma upang itaboy ang mga Kastila. Ang puwersa ng mga Tsino ay pinangunahan ng piratang si Limahong. Ngunit hindi sapat ang kanilang puwersa para talunin ang mga Kastila, nabigo ang mga Tsino at marami sa kanila ang napatay sa digmaan. Bukod dito, may pagdududa rin sa tunay na motibo ng pagsalakay ni Limasong sa Maynila. Dahil sa pangyayari, nilimitahan ng España ang kilos ng mga Chinese at binigyan na lamang sila ng lugar kung saan sila puwedeng magsagawa ng kalakalan na tinawag na âParian de Alcaceria." Ngunit hindi rito nagtapos ang pag-aaklas ng mga Tsino, sinasabing noong 1602 sumalakay sila sa Quiapo at Tondo. Binalak din nilang sakupin ang balwarte ng mga Kastila sa Intramuros pero hindi ito natuloy. Nagkaroon pa ng malalaking pagsalakay ang mga Tsino laban sa Kastila noong 1662 at 1686 na nagresulta pagka-exile sa ibang bansa ng maraming Chinese na naninirahan na sa Pilipinas. Subalit dahil sa laki ng naiaambag ng mga mangangalakal na Chinese sa ekonomya ng Pilipinas, hindi magawa ng España na tuluyang ipatapon ang lahat ng Tsino palaban ng bansa. - GMANews.TV