ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking nanghipo raw sa 7-anyos na babae sa loob ng tricycle, kinuyog


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bugbog ang inabot ng isang lalaki matapos umanong maaktuhang hinihipuan sa loob ng tricycle ang isang babae ng pitong-taong-gulang sa Vigan City, Ilocos Sur.

Sa ulat ni Alfie Tulagan sa GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, sinabing mismong ang ama ng bata ang nakakita sa ginawang kahalayan umano ng suspek na si Crisanto Querido, 35-anyos, isang tricycle driver.

Kuwento ng ama ng bata, sandali niyang iniwan ang natutulog na anak sa kanilang tricycle sa gilid ng palengke para ayusin ang kanilang paninda.

Pero pagbalik niya sa paradahan, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo na sa kanilang tricycle at hinahawakan ang kanilang anak.

Sa galit, sinuntok umano ng ama ang suspek at kinuyog na rin ito ng iba pang tao sa paligid.

Pero paliwanag umano ng suspek, nalaglag ang bata sa upuan habang tulog kaya binuhat niya ito pabalik.

Sa kabila ng nangyari, sinabi ng ama na pumayag siyang hindi na ituloy ang demanda sa suspek dahil ito raw ang naghahanap-buhay sa pamilya. -- FRJ, GMA News