ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tricycle driver na nanagasa raw ng kalabaw, patay nang gantihan ng may-ari ng hayop


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay matapos barilin at saksakin umano ng magkapatid ang isang tricycle driver, na nanagasa umano sa alaga nilang kalabaw kaya napilay sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi umano ng pulisya na nakikipag-inuman ang biktimang si Julius Medel sa mga kaibigan nang dumating ang magkapatid na suspek na sina Ian at Robiner Canoy, na nakainom din.

Kinompronta umano ng magkapatid si Medel dahil dalawang beses daw pagbangga nito sa kanilang kalabaw, naging dahilan kaya napilay ang hayop.

Sa gitna ng pagtatalo, sinaksak at binaril umano ng magkapatid si Medel hanggang siya sa mamatay.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang bolo at sumpak na ginamit umano sa pagpatay sa biktima.

Naaresto na ng mga awtoridad ang isa sa dalawang magkapatid. -- FRJ, GMA News