ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Taas ng monumento edad ng presidente


Alam nyo na ang taas ng Quezon Memorial Circle sa Quezon City ay ibinatay sa edad ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na nakahimlay dito. Ang bantayog sa Quezon Circle ay may tayog na 66 metro batay sa edad ni Pangulong Quezon (66-anyos) ang kinikilalang "Ama ng Wika" at unang presidente ng Pilipinas sa Commonwealth Republic sa ilalim ng pananakop ng Amerika. Isinilang sa Baler, Quezon noong Agosto19, 1878, pumanaw si Pangulong Quezon noong Agosto 1, 1944 dahil sa sakit habang nasa US. Unang inihimlay ang kanyang labi sa Washington, D.C., pero inilipat ito sa Manila North Cemetery noong 1946, at pagkaraan ay sa Quezon Memorial Circle noong Agosto 19, 1979. Taong 1940’s sinimulan ang plano sa pagtayo ng monumento sa 27 hektaryang rotunda park ngunit dahil sa digmaan at kakapusan ng pondo ay nakumpleto ito noong 1978. Ang arkitektong si Federico Ilustre ang nanalo sa patimpalak sa paggawa ng disenyo ng monumento. Ang tatlong haligi ng monumento ay sinasabing sumisimbulo sa Luzon, Visayas at Mindanao. Si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nagpalabas ng kautusan na nagdeklara sa Quezon Circle bilang National Shrine. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia