ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sementeryo sa ilalim ng dagat


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa sa paboritong dive spot ang nakalubog na sementeryo sa Camiguin. Pero sino ang mag-aakala na ang lugar na ito na pinamamahayan na ngayon ng mga isda at iba pang nilalang ng dagat ay dating bahagi ng lumang kapitolyo ng Camiguin. Bago ang mapaminsalang pagsabog ng Mt. Vulcan noong 1871 na nagpabago sa anyo ng Camiguin, ang lumubog na sementeryo ay bahagi ng Cotta Bato -ang lumang kapitolyo ng lalawigan. Ngayon ang bayan ng Mambajao ang sentro ng kapangyarihan ng Camiguin. Sinasabing apat na pagsabog ng Mt. Vulcan ang bumura sa Cotta Bato. Ngunit ang pinakamatinding pagputok nito ay naganap noong 1871 na nagpalubog sa Cotta Bato at sa sementeryo. Bukod pa diyan ang daan-daang buhay na nasawi sa trahedya. Nakikita pa noon ang bahagi ng Cotta Bato at sementeryo kapag low tide o mababa ang tubig ng dagat, subalit nang muling pumutok ang bulkan noong 1948 ay ibinaon na nito nang tuluyan ang lugar hanggang 20 talampakan ang lalim. Bilang paggalang sa mga labi sa nakalubog na sementeryo, isang malaking krus ang itinayo sa lugar. Ang mga maninisid sa lugar ay namamangha sa pinagsamang bakawan at nitso sa ilalim ng lumabog na sementeryo. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia