ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang 'tres' kay Manny Pacquiao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa limampung laban ni Manny “Pacman’ Pacquiao, tatlong ulit pa lang siyang natatalo at dalawa rito ay sa pamamagitan ng knockout. Pero alam nyo na ang kanyang pagluhod sa lona ay kapwa nangyari sa parehong round. Unang nakatikim ng talo si Pacquiao sa kababayang Pinoy na si Rustico Torrecampo noong Pebrero 9, 1996 sa "3rd round." Isang matulis na suntok sa panga ang pinatama ni Torrecampo sa nagsisimula pa lamang noon na si Pacquiao. Pagkalipas ng "tatlong" taon matapos matalo kay Torrecampo, nalasap ni Pacman ang ikalawang pagluhod sa lona noong Setyembre 17, 1999 sa kamay ni Medgoen Singsurat ng Thailand. Isang suntok sa sikmura ang pinatama ni Singsurat kay Pacquiao para tapusin ang kanilang laban sa "3rd round." Ang pagkatalo ni Pacquiao sa dalawang laban na ito ay pinapaniwalaang dahilan sa kanyang pag-angat sa timbang. Sa kamay ni Mexican boxing hero Erik "El Terrible" Morales natikman ni Pacman ang "ikatlong" pagkatalo noong Marso 19, 2005 sa pamamagitan ng desisyon. Hindi man natalo si Pacquiao sa "3rd round," ang kanyang pagkatalo ay nangyari sa "ikatlong" buwan ng taon. - GMANews.TV