ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga may-ari ng mga bahay at lupang tatamaan ng C-6 Expressway, tiniyak ng DPWH na babayaran


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makatatanggap ng kompensasyon ang mga may-ari ng mga bahay at lupa na dadaanan ng itatayong C-6 Expressway o Southeast Metro Manila Expressway.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Lunes, sinabing ginawa ang pagtiyak dahil sa mga pangamba ng taong maaapektuhan ng proyekto.

Isinagawa nitong Lunes ang ground breaking ceremony sa proyekto na ginawa sa Taguig City.

Sisimulan ang pagtatayo ng expressway sa second quarter ng 2018 at inaasahang matatapos sa 2020.

Ang unang bahagi ng proyekto ay magkokonekta mula FTI sa Taguig hanggang sa Batasan sa Quezon City. Ang ikalawang bahagi naman ay mula sa Batasan hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.

Ang ikatlong bahagi naman ng proyekto ay magmumula sa San Jose del Monte na magkokonekta sa North Luzon Expressway.

Nagkakahalaga ang proyekto ng kabuuang P 31.3 bilyon na may haba na mahigit 34 na kilometro mula sa Taguig hanggang sa Quezon City.

Sa dating panayam kay DPWH Secretary Mark Villar, sinabi nito na matutulong ang proyekto para mabawasan ang mga sasakyan na dumadaan sa EDSA at C-5.

"The objective C6 is to decongest EDSA, C5 and other major arteries of Metro Manila and Rizal by providing an alternate route from Parañaque to Quezon City by passing through developing areas of Taguig, Taytay, Antipolo, and San Mateo," anang kalihim. -- FRJ, GMA News