ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

P10-B pondo inilaan para pangsugpo sa kahirapan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na imaglaan ng P10 bilyon para sa mga programang makatutulong sa pagsugpo sa labis na kahirapan. Kabilang sa inilaang pondo ang pera na galing sa mga proyekto ng Pilipinas sa China. “The aim is to earmark about P5 billion worth. Along with China projects to be proposed under my earlier instructions, a total fund of P10 billion would be mobilized to fund extreme poverty," sinabi ni Gng. Arroyo nitong Lunes sa talumpati sa regional workshop on the establishment of National Human Rights Institutions in Asia na ginanap sa Traders Hotel sa Maynila. Ayon sa Pangulo, ang $120-milyong pondo na nasa ilalim ng China Projects Oversight Panel ay gagamitin para sa mga programa at proyektong ipinanukala ng mga lokal na opisyal para sa mga mahihirap na komunidad sa bansa. Magkasamang pinamumunuan nina Trade Secretary Peter Favila at Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo ang CPOP. Para kay Pangulong Arroyo, ang National Anti-Poverty Commission sa tulong ng mga obsipo at non-government institutions ay magagawang tukuyin ang mga komunidad na maaaring makatanggap ng benepisyo mula sa proyekto. Uunahin diumano ng Pangulo ang mga lugar na may mataas na bilang ng pagkagutom at kawalan ng trabaho. Ang proyekto para sa mga mahihirap na komunidad ay dapat na ipanukala bago magtapos ang taon at ilulunsad sa 2008, ayon sa Pangulo. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV